WEDNESDAY |JULY 09, 2008 | PHILIPPINES

ABOUT US | SUBSCRIBE | WRITE US | ADVERTISE | ARCHIVES

 

 

‘The proposal of Senator Mar Roxas not only makes sense; it’s imperative.’
 

Scrap VAT


As the price of oil products continues to escalate, the proposal of Senator Mar Roxas not only makes sense; it’s imperative.

Gloria Arroyo wallowing in billions of pesos in "Katas ng Vat" while the rest of the Filipinos reel from spiraling prices is criminal. Balancing the budget should be done through more efficient revenue collection and not through this unjust value added tax that drives almost everybody into poverty.

Roxas is correct in debunking the argument of the administration that only the higher-middle class income groups and big business are affected by VAT. He said the fisherman buys gasoline for his motorized boat, the tricycle driver buys gasoline for his tricycle, the taxi driver buys gasoline to ply his route. These are poor people.

Besides, the high-income businessmen can easily pass on the higher cost of production by increasing prices for their goods. In the end it’s the consumers, the people, that bear the heavy yoke of the VAT thast Arroyo is so happy about.

Following are excerpts from the interview of Roxas by Orly Trinidad and Fernan Gulapa on DZBB which makes the issue of VAT understandable.

Roxas: Yung talagang ayaw magpalit ng isip sa kabila ng malaking pagbabago sa sitwasyon ay tinatawag na ‘foolish.’ Last year, mga Setyembre pa natin ipinapanawagan ito, na i-suspend yung VAT mula sa produktong petrolyo. Agad-agad six pesos ang savings. Sa diesel, from 54 pesos per liter, magiging 48 pesos per liter, sa kasalukuyang presyuhan. Sa LPG, for an 11-kilo tank, yan mga 66 pesos ang savings nyan. So malaki talaga ang pakinabang nito para sa ating mga kababayan at dapat nga tingnan ito ng gobyerno.

At sasabihin ko na katarantaduhan ito, kung ayaw nilang repasuhin itong nakaraang desisyon, samantalang yung desisyon na yun ay kinuha sa kakaibang panahon.

DZBB: Saang punto pwedeng sabihin na ibalik natin ang buwis sa langis?

Roxas: Noong ipinataw itong VAT na ito, nasa $30 per barrel. Ngayon nasa $140 per barrel. So halos times four ang presyo ng langis ngayon. Eh sabihin natin na ibalik natin pag bumalik na sa $60, sige umpisahan natin mangolekta uli, pero huwag muna sa ngayon. Dahilan sa noong ipinataw itong VAT na ito, ang inasahan lamang ng gobyerno na makolekta dito is 12 percent times $30 per barrel is $3.60 per barrel of oil. Yun muna ang inasahan nila rito. Yun lang ang kanilang protest. Ngayon ang kinokolekta nila is about $15 per barrel. So apaw-apaw na ang nakokolekta ng gobyerno dito.

In fact, yung Bureau of Customs, binigyan nila nag sarili nila ng bonus. Hindi naman ito bunga ng pagtatrabaho nila. Bunga ito ng nagmahal na presyo ng langis. Kaya tumaas din ang koleksyon.

In fact, napagtatakpan nito yung maraming kahinaan doon sa mga collecting agencies sa ngayon because ang gobyerno nakaangkas sa presyo ng langis. Habang tumataas ang presyo ng langis, tumataas din ang koleksyon ng gobyerno. So maaaring sabihin na ang gobyerno ang padagdag sa bigat na pinapasan natin.

DZBB: Sinasabi nila matatamaan rin ang mga mahihirap kasi kinokolekta ang buwis sa mga mayayaman, at ginagamit ito sa mga programa.

Roxas: Kalokohan iyan, dahilan sa mga mangingisda na bumibili ng gasolina para sa kanyang motorized bangka – mayaman ba iyan o mahirap? Yung tricycle driver na bumibili ng gasolina para sa kanyang tricycle na makapasada siya – mayaman ba iyan o mahirap? Yung jeepney driver na bumibili ng kanyang krudo para sa kanyang pasada – mahirap o mayaman? Hindi natin dine-deny na ang mga mayayaman ay makikinabang. Pero mas maraming mahihirap ang makikinabang kaysa sa mayayaman.

Number two, mas kinakailangan ng mga mahihirap ito kaysa sa mayaman at kaysa sa gobyerno. Number three, higit sa lahat, mas malaking bahagi ng gastusin ng mahirap yung binabayad nilang transportasyon o gasolina kaysa sa mayayaman. Ang punto dito ay, ang mahihirap ang makikinabang dito.

Sa latest inflation data, mas mataas ang inflation sa kalayunan, sa countryside, ang rural kaysa sa urban. Kasi naka-factor in doon yung transport cost. Mahal na masyado magpadala ng mga produkto sa kalayunan. Kahit semento, fertilizer, gatas, noodles.... Yung mga pagawaan niyan nandito sa Maynila. So bawat pagdala niyan sa kalayunan, malaking bahagi ang transport cost, at lalo nagmamahal sa countryside.

DZBB: Wala bang magagawa ang legislative department?

Roxas: Ginawa natin ang lahat na magagawa natin sa Senado. Nakaabang na kami. Pero hindi executive action ang hinihingi dito, kundi political action. Political will.

Alam naman natin na sa Kamara, kung ano ang gusto ng Malacañang, iyan ang masusunod. Kung sabihin ng Malacañang ‘sinusuportahan namin ito,’ mabilis pa sa alas kwatro, papasa na iyan sa Kamara. Lahat naman ng mga constituents ng mga congressman, nagrereklamo na. Ayaw lang nilang humakbang kasi pinipigilan sila ng Malacañang. Kung sumenyas lang ang Malacañang na okey sa kanila ito, at aaksyon kaagad ang Kamara, mabilis pa sa alas kwatro, mapapasa ito, maisasabatas ito.

***

Blog: www.ellentordesillas.com

Email address: ellentordesillas@gmail.com

 




















Please address comments and suggestions to the Webmaster.
COPYRIGHT 2004 © People's Independent Media Inc.